Sunday, October 15, 2028

Mia, nasaan ka na?

What I'm Listening To: Thru These Tears - LANY
Currently Feeling: Heavy
Disclaimer: Wala. Basahin mo nalang.


Summary: Wala. Basahin mo nalang.







I decided to stay out of social media for awhile hanggang sa feeling ko na ok nako. Siguro kung nandito ka at binabasa ito ngayon, sigurado isa ka sa mga taong hinanap talaga ako. Salamat.

Pero kagaya mo, kasalukuyan ko paring hinanap ang sarili ko. 

Ewan ko bigla nalang, isang araw, sobrang lungkot. Tapos dineactivate ko nalang FB ko, Messenger ko, viber ko, pati personal number ko naka-idle.

At nagdesisyon na magsimula ulit sa umpisa...

Bakit?

Kasi masakit na. Hindi lang naman about sa isang tao, but sa madaming dahilan. I felt so consumed with social media na hindi ko naman talaga masabayan. 

Alam mo yung pressure na mag post ng maganda picture, mga bagay na pinupuntahan mo, kinakain mo, mga sikat na taong nakakasama mo, ang hirap sabayan nun.

Tapos sasabayan pa ng pressure na lahat ng ka-age mo may asawa at anak na. May business, maganda ang posisyon sa kumpanyang pinag tra-trabahuan nila, nakatira sa ibang bansa, etc.

Siguro nga may part sa akin na nagwi-wish na sana ako din pero hindi naman totally. Masaya ako sa status ko ngayon sa trabaho at sa buhay ko.

Talagang may mga bagay lang na nakakapagod.

At may tao din na gusto ko talagang iwasan kasi masakit parin. 

Siguro masasabi ko na nag-mature narin ako kahit papano kasi dati pag heart broken ako, aalis ako, lalayo, iiwanan lahat. 

Pero ngayon, hindi ako aalis, hinaharap ko to ng umiiyak, nasasaktan. OO wala ako sa FB, Insta, viber, etc. Pero nandito lang ako. Nagmo-move. Nakikinig ng mga nakakaiyak na love song habang nakasandal sa pader, yakap ang unan, at bible nagmumuni muni sa mga bagay na akala ko may patutunguhan. Tapos lilipas na naman ang isa pang araw. at babalik na naman ako sa cycle: Bahay-Trabaho-Iyak sa Gabi-Tulog-Kain. 

Hanggang maging isa nalang tong ala-ala. 




Still waiting for my star to fall,


calligraphy-fonts

No comments:

Post a Comment