About Me

Search This Blog

Today's Highlights

Fun & Fashion

Facebook

International

Pages

About me

Follow Me

About Me

About me

Si Adrian, Nicole at Monica



Si Adrian

Minsan si Adrian ka kapag wala kang magawa. Di ka makaiwas. D ka makawala. Nagpapadala ka sa bugso ng damdamin. Sa kapusukan. Sa karupukan. Ikaw si Adrian, kapag ang motto mo ay, "nasa huli ang pagsisisi." Si Adrian ka... Kapag kahit itry mo ng 100 times wala na. Basag na.

Si Nicole 

Ikaw si Nicole kung pakiramdam mo kailangan mo ng pagmamahal. Kung para sayo mararamdaman mo lang na totoong mahal ka kung maaagaw mo ang minamahal ng iba. Handa kang sumabay sa agos. Handa kang gawing tanga at baliw ang sarili mo. Kahit na hindi ikaw ang una, ok lang sayo. Ikaw si Nicole dahil... Alam mo ang pinasok mo pero ayaw mo lumabas.

At ikaw si Monica.

Oo ikaw. Pero hindi ito ang Monica na kilala ng lahat. Nakukubli sa isang mapagmahal na ina ang Monica-ng kinatatakutan ng lahat ng Adrian at Nicole sa mundo. 

Ito ang Monica na mapagpanggap. Ang Monica na hindi marunong tumanggap ng pagmamahal. Ang Monica na hindi alam ang ibig sabihin ng sakripisyo. Ang Monica na walang pakialam sa pamilya. 

Ang Monica na hindi kuntento sa kung ano ang meron siya. Ang Monica na hindi tapat sa kanyang asawa. Ang Monica na tinanggalan ng karapatan ang kanyang sarili na lumigaya. Ang Monica na pinagkait sa kanyang anak ang isang buo, masaya at tahimik na pamilya. 

Ang Monica na masahol pa kay Adrian at Nicole. 

Share this:

Post a Comment

 
Copyright © ZUPERMIA. Designed by OddThemes