About Me

Search This Blog

Today's Highlights

Fun & Fashion

Facebook

International

Pages

About me

Follow Me

About Me

About me

BOB ONG, Ang Buena Mano

Para hindi naman kagulat-gulat ang post ko, tungkol kay Bob Ong ang naisip kong unang Filipino post. Sino nga ba si Bob Ong? Paano ko siya nakilala? At kung paano ko nabasa ang mga aklat niya?




Nagsimula ang lahat sa ABNKKBSNPLAko?! 


Entrance exam noon ng UPCAT. Lahat kabado. Lahat may dalang Mongol pencil #2. Lahat may dalang folder, scratch paper, meryenda, bag, cellphone (yung mga rich kids lang pala, kasi hindi pa gaanong uso ang cellphone nung panahon na yon), pera, ID, at iba pa. Paanong nasali sa usapang UPCAT ang ABNKKBSNPLAko? Relax. Ganito kasi yun...
Alam naman nating lahat na mahaba ang UPCAT. Lahat siguro ng Pilipino gustong makapasok sa UP. Makapasok lang sa UP ay parang nanalo ka na sa lotto? Pwede ring hindi dahil sa hazing, rally, etc. Pero nasa UP ako ngayon. Wait, eto na, mahaba ang test sa UPCAT. Bawal kang lumabas ng room hanggang hindi tapos ang exam. Pwede kang kumain sa loob ng room. Bawal kang magsalita. Bawal kang tumingin sa gilid mo. Pwede kang magtanong sa proctor. Actually, pwede mo namang gawin kahit ano basta gagawin mo ito ng tahimik at wag kang lalabas. Hindi naman boring ang UPCAT test... napaka challenging nga at mahirap eh. Talagang susubukan nito hindi lang ang talino mo kundi pati ang pasensya. Sobrang hirap na sobrang tagal pa, lahat de-oras. So, habang naghihintay na matapos ang UPCAT test nakita ko ang isa sa mga seatmate ko na nagbabasa ng libro... Una akala ko module. Sabi ko, pwede pala yun. Pero sa pag sipat-sipat ko nabasa ko ang title ng libro, ABNKKBSNPLAko?!... ANO YON?


Anong klaseng libro yun? Bakit pwede yun basahin habang naghihintay sa susunod na exam? Tagalog kaya yun o English? Nung nakita ko ung title... ang nakita ko lang letra, hindi ang mga pantig nito. Naalala ko, sinulat ko pa un sa isa sa mga scratch papers ko para matandaan ko at ma-research. Pag-uwi ko nang bahay, tinipa ko agad ang mga letrang ito sa internet... at nalaman ko na libro pala ito ni Bob Ong. Bumili ako ng libro niya at binasa. Ang ganda. Nakakaaliw, nakakatuwa. Ito yun ka-level ng mga chick flick movies... ung pagkatapos mong basahin sasaya ka, makaka-relate ka, masasabi mong, "Oo nga! Tama siya!" Bawat salita ni Bob Ong pwede mong gawing Quotable Quotes. Aliw.


Hindi ko kilala nang personal si Bob Ong. Ang sabi dedicated daw ito sa mga BobOng Pinoy. Meron din kwento na pen name daw ito ng grupo ng mga manunulat. Pero ayon sa mga biographies...


Bob Ong or Roberto Ong is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino. The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies. His published works include: 

  1. ABNKKBSNPLAko?! ( Aba nakakabasa na pala ako?!) (Wow, i can really read now?!), 
  2. Bakit Baliktad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino? (Why do Filipinos read books in reverse?), 
  3. Ang Paboritong Libro ni Hudas (Judas' favorite book), 
  4. Alamat ng Gubat (Fable of the forest), 
  5. Stainless Longganisa (Stainless Chorizo), and 
  6. Macarthur. 
Sa anim na libro niya... pinaka pabortito ko yung Stainless Longganisa.


BOB ONG LOVE QUOTES (Oo, hindi ito mula sa ABNKKBSNPLAko.)
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. kasi, hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. "
" Alam mo ba kung gaaNo kalayo ang Pagitan ng dalawang Tao pag nagtalikuran Sila??
- Kailangan mo libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang TAONG TINALIKURAN MO."
"Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal.."
"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."
“Kung hindi mo mahal and isang tao,
wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?"
"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
"Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba."
"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."

Love, now and always,
Mia        
ABOUT THE AUTHOR
Mia always dreamt of becoming 5'8" or higher that goes with the reason why she wears higher platforms. She wears lighter makeup these days because her MAN is particular with INNER beauty. She's the same old shopaholic you now, splurging over stuffs that a part goes to charity. Today, she is not writing blogs and promos anymore. She ventured into marketing... selling souls to the devil. And oh wait, on her spare time, she writes short stories of love with tragic ending. Some of her published works are "Cries, Cameras and Actions", "8 folds", "The Boat", "All for Carlie", "Ragnarok Online Love Story" and "Resume of Lovers". 

Share this:

Post a Comment

 
Copyright © ZUPERMIA. Designed by OddThemes