Post Page Advertisement [Top]

essayFilipino essayLovepag-ibig

Oh _ _ _ – _ _ _ _ , kung tawagin

Gusto kong umiyak, gusto kong tumawa. Gusto kong sabihin mahal kita. Ang labo. Hindi nga ba’t sadyang wala nang kasing tanga pa ang isang taong nagmamahal?
Nakita mo siya, nakita ka nya. Nagkatagpo kayong dalawa. Umibig ka o inibig ka nya. Inamin mo o inamin nya. At naging kayong dalawa. Simple ngunit bakit kapag nandyan na at totoohanan na talaga ang hirap isalba.
Bakit nga ba ang isang nagmamahal ay nawawalan ng logic? Hindi patas at may pinapanigan. Saan ka nga ba kakampi? Hindi nga ba’t sa mahal mo. Baka sabihin mo na nagkakamali ako. Pero saan ka nga ba kakampi? Maiisip mo pa ba ang tama? Kung ang mahal mo ay mahal mong talaga.
Bakit nga ba ang isang nagmamahal ay ginagawang virtues ang mga vices? Hindi tayo perpekto at bukas ang aking pang unawa na bawat isa sa atin ay may nakagagawa ng mga pagkakamali. Sa isang nilalang na hindi malapit sa iyo madali mong husgahan siya at sabihin ang kanyang mga kamalian. Sa isang taong mahal mo, ang mga kamaliang ito ay nagiging kagalingan.  At bakit nga ba ang nagmamahal ay gumagawa ng mga bgay na hindi talagang maintindihan? Basta’t kung nagmamahal ka na katulad ko hindi mo rin alam ang mga sagot sa mga katanungan.
Minsan ang pag-ibig ay parang isang sayaw. Bago ka sumabak sa sayawan ay dapat may baon kang mga galaw. Ngunit hindi sapat na alam mo lamang ang mga ito. Maaring mag isa ka lamang sa pag sayaw o hanapin mo ang iyong kapares. Kailangan mong sumayaw at sumunod sa  indak ng puso. May mga sitwasyon na ang nagmamahal ay nawawala sa indak ng sayaw.   Maari din namang matapakan nya ang kanyang kasayaw. Pwede ring humanap na lamang siya ng ibang kapareha. Maari ring mag-isa o magkanya-kanya na lamang.
Sa pag-ibig hindi sapat na alam mo lamang ang ibig sabihin nito dapat ay nadama ka na nito o may pag-ibig kang likas sa iyong sarili. Sa pag-ibig maaring humanap ka ng mamahalin o magmahal ka ng walang inaasahang kapalit. Hindi rin ibig sabihin na may minamahal ka ay maayos na ang lahat. Kailangan mong alamin parin ang mga bawal at limitasyon ng pag-ibig.  Maaring ikaw ang magkamali o magawan ng kamalian. Kung  hindi na talaga para sa iyo ito, marahil hahanap o maghihintay ka na lamang ng susunod mong mamahalin. Masakit man ay maaring mag tampo na sa iyo ang pag-ibig at ika’y mag-iisa.
Ngunit wag kang mangamba. Hindi sa lahat ng panahon ay masakit ang nag iisa. Oo nga’t wala nang sasarap pa sa may minamahal at nagmamahal. Pero may mga panahon na kahit ika’y nag-iisa masaya  ka na sa mga umiibig at nadarama nito.
Ganun naman talaga ang buhay kung sino ang minahal mo ay asahan mong siya ang gagawa sa iyo ng labis na sakit at kalungkutan. Kasama ng pagmamahal ang tampuhan at ilang hindi pagkaka-unawaan. Ayos lamang ito. Wag kang mangamba dahil kung may mawala ay sadyang may inihanda ang Diyos na kapalit nito.

Puso mo ang sundin mo sa mga bagay na ito. Sinabi man nila na ang utak dapat ang mas pairalin. Ngunit ang puso kapag naranasan o naramdaman na ang pagiging masaya. Duon lang ay kontento na siya.




Love, now and always,


calligraphy-fonts

No comments:

Post a Comment

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib